7.8% ekonomiya ng bansa, lumago sa unang quarter ng 2013

Lumago ng 7.8% ang ekonomiya ng bansa sa unang quarter ng 2013.

Ayon sa National Statistical Coordination Board (NSCB),  mas mataas ito ng one percent  kumpara sa naitalang 6.8% percent  na GDP ng bansa noong final  quarter ng 2012 at ng 1.4 percent  kumpara sa 6.4 percent  sa kaparehong panahon noong 2012.

Ayon sa  NSCB, pangunahing nakatulong sa paglago ng ekonomiya ang pag-angat ng services sector ng seven percent .

Nakaambag pa ang manufacturing na lumago ng 9.7%, construction na umangat ng 32.5%.

11.9% ang  ingangat ng forestry, habang nakabawi ang sektor ng agrikultura sa 3.3% growth rate at pangingisda  sa 5.5%.

Speak Your Mind

*