Anim na bilyong pisong halaga ng bigas, nasasayang umano bawat taon

Tinatayang aabot sa P6-billion halaga ng bigas ang nasasayang bawat taon, ayon sa Department of Agriculture (DA).

Ipinaliwanag ng Philippine Rice Research Institute (Philrice), ahensiyang kaagapay ng DA, na ang nasabing nasasayang na bigas ay makokonsumo na sana ng halos 2.6 milyong pilipino sa bansa.

Dahil dito, gumawa ng kaukulang hakbang ang ahensiya sa tulong ng isang pribadong grupo na makikipagugnayan sa mga ina ng tahanan upang maisulong ang responsableng pagkonsumo ng bigas.

Sa ilalim ng kasunduan, kukumbinsihin ng organisasyon ang kababaihan sa pagtataguyod ng responsible rice consumers.

Speak Your Mind

*