Arrest warrant sa aktres na si Sarah Lahbati hindi pa maihain

Hindi pa maihain sa aktres na si Sarah Lahbati ang arrest warrant para sa kaniya kaugnay sa kakaharapin nitong kaso na libelo.

Ang nasabing kaso ay tungkol sa mga mapanirang mensahe nito na nakalathala sa social media site na twitter laban kay GMA FILMS president Atty. Annette Gozon-Abrogar.

Ayon sa abogado ni Abrogar na noong mayo a-bente pa inilabas ng korte ang nasabing arrest warrant ngunit hindi pa ito maihain sapagkat nasa ibang bansa pa ang aktres.

Gayunpaman, haharapin din ni Lahbati ang kasong libelo sa sandaling bumalik ito sa bansa at hahayaan din siya ng korte na ipresinta ang kaniyang mga katibayan laban kay Atty. Abrogar.

Speak Your Mind

*