Bilang ng mga lumalabag sa batas trapiko sa lungsod ng Dagupan, tumaas

Patuloy umanong tumataas ang bilang ng mga lumalabag sa batas trapiko sa lungsod ng dagupan.

Ito ang kimumperma ni POSO Chief Robert Erfe-Mejia, kung saan tumaas aniya ang bilang dahil sa mga matitigas ang ulo sa hindi pagsusuot ng helmet, kawalan ng linsensiya at registration sa mga sasakyan.

Sa ngayon ilang motorsiklo na rin ang naimpound sa tanggapan ng POSO Dagupan dahil sa hindi pagtalima ng mga ito sa ordinansa ng siyudad.

May ilan na rin sasakyan na hindi na ito natubos dahil sa patong patong na rin na multa sa bawat araw na hindi ito natutubos bukod sa violation nito sa batas trapiko.

Paliwanag pa ni Mejia, hindi titigil ang tanggapan nito na hulihin at disiplinahin ang mga hindi tumatalima sa bawatregulasyon sa lungsod ng Dagupan.

Speak Your Mind

*