Business sector, walang dapat ikabahala sa pagbagsak ng piso kontra dollar

Hindi umano dapat mabahala ang business sector dahil nanatiling matatag ang pananalapi ng bansa kasabay ng paniniwala ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na makababawi rin ang halaga ng piso matapos bumagsak ito sa 11-month low kahapon kontra us dollar.

Sinabi ngayon ni BSP Governor Amando Tetangco Jr. na kanilang inaasahan na umano ang Foreign Exchange Movements dahil sa nakikitang paglakas ng dolyar.

Tinukoy pa ng opisyal na walang dapat ikabahala ang business sector dahil nanatiling matatag ang pananalapi ng bansa kung ikukumpara sa ibang asian currencies.

Pero ayon sa mga traders, hindi lamang ang lokal na pananalapi ang humina kundi maging ang ibang Asian Currencies, dahil na rin sa pagsigla ng American dollar.

Speak Your Mind

*