CHO Dagupan, tiniyak na hindi makukompormiso ang kalusugan ng mga estudyante sa loob ng paaralan

Tiwala ang City Health Office ng Dagupan na walang rason para makompromiso ang kalusugan ng mga estudyante ngayong pasukan.

Ayon kay City Health Officer Dr Leonard Carbonell, unang nilang tinutukan ang school canteen dahilĀ  ito ang lugar na kadalasang punupuntahan ng mga estudyante para kumain.

Hindi rin naman ipinagkakait ng CHO, na umaksiyon sa anumang request ng isang paaralan gaya ng fogging operation lalo na’t itinuturing na Dengue Awareness Month ang buwan ng Hunyo hanggang Hulyo dahil sa pagpasok na rin ng tag ulan.

Sa ngayon nagpapatuloy pa rin ang pagbisita sa mga pampublikong eskwelahan upang masiguro na naksusunod ang mga ito sa tamang panuntuna ukol sa kapakanan sa kalusugan ng mga estudyante. (from newscenter dzrd981 dagupan)

Speak Your Mind

*