DOH, nais makasama sa pagbalangkas ng IRR ng Anti-Drunk Driving Act

Hinihiling ng Department of Health (DOH) na makasama sila itatakdang pagpupulong sa pagbalangkas ng Implementing Rules and Regulations (IRR) sa Anti-Drunk and Drugged Driving Act.

Pinaliwanag ni DOH Spokesperson Assistant Sec. Eric Tayag na kailangan ng isang malalim na pag-aaral sa mga detalye ng mga panuntunang dapat sundin sa bagong batas.

Idinagdag pa nito na mahalagang maging siyentipiko ang pagbalangkas sa IRR.

Una ng inihalimbawa ni Tayag na hindi na mainam gamitin ang field sobriety test para matukoy kung nakainom ang isang tao.

Aniya, hindi na ito ginagamit ng ibang bansa para malaman ang resulta.

Speak Your Mind

*