DOH: naka full-alert na sa mga paliparan ukol sa kaso Mers-Coronavirus

Ikinasa ngayon ng doh ang full-alert sa mga paliparan ukol sa kaso ng Middle East Respiratory Syndrome (Mers-Coronavirus)

Ipinahayag ni Health Assistant Secretary Eric Tayag na ang Mers ay  maaaring makuha sa pagbahing o pag-ubo ng taong maysakit nito o kaya ay direct contact

Ang sintomas ng Mers ay pagtatae, pitong araw na inuubo, sinisipon, nilalagnat at nahihirapang huminga, gayundin ang severe acute  pneumonia at  renal failure  kung saan hindi magkapag-function ng maayos ang  kidney upang mag-filter ng ating  urine.

Ang naturang sakit ay nakamamatay lalo na kapag mabagsik ang strain kaya naman pinapayuhan nito ang sinuman na agad magpakonsulta sa doktor sakaling may mga sintomas na maranasan

Paalala pa ni Tayag, na ugaliing maghugas ng kamay at iwasang hawakan ang mukha upang hindi kumalat ang sakit.

Speak Your Mind

*