DOH, pinag-iingat ang publiko laban sa sakit na leptospirosis

Pinag-iingat ng Department of Health (DOH) ang publiko laban sa sakit na leptospirosis, kasunod na rin ng pagsapit ng rainy season sa bansa.

Binigyang-diin ng DOH na ang leptospirosis, na nakukuha sa ihi ng daga at iba pang hayop na humahalo sa tubig-baha, ay maitutu­ring na isang “immediate concern” na dapat tugunan.

Nalaman na kabilang sa mga sintomas ng naturang sakit ay lagnat, internal bleeding at meningitis.

Nagbabala rin ang DOH na kapag pinabayaan at hindi naagapan ang sakit ay nagdudulot ito ng organ failure at kalaunan ay maaaring ikamatay.

Pinaalalahanan na rin ng DOH ang mga mamamayan na iwasan ang lumusong sa baha upang makaiwas sa sakit.

Speak Your Mind

*