Juan Manuel Marquez, payag ng labanan si Pacquiao sa ikalimang pagkakataon kung matatalo si Bradley

Handa umano si Juan Manuel Marquez na harapin ang dating kampeon na si Manny Pacquiao basta gagawin ang laban sa mexico, at kung magagawa niyang maagaw ang WBO Welterweight title mula kay Timothy Bradley.

Sinabi si Marquez na minsan na niyang inialok kay Pacquiao ang laban sa Mexico ngunit tumanggi si Pacman na mas pinaboran ang Las Vegas, Nevada.

Gayunman, aminado si Marquez na gusto niya ang pakiramdam na tinalo si Pacquiao sa pamamagitan ng knockout kahit lamang pa rin ang dating pound-for-pound king sa apat nilang laban kung saan may dalawa itong panalo at isang tabla.

Makakaharap ni Marquez si Bradley sa Oktubre 12 sa Las Vegas at inaasahan niyang masungkit ang WBO title upang maging unang 5 Division World Champion ng Mexico.

Speak Your Mind

*