Judy Ann Santos, ligtas na sa kulong dahil sa kasong Tax Evasion

KINATIGAN ng korte supreme ang desisyon ng Court of Tax Appeals (CTA) na huwag ipakulong ang actress na si Judy Ann Santos dahil sa kasong tax evasion.

Sa isang resolusyon, pinaboran ng second division ng Supreme Court ang desisyon ng Tax Court na ibasura ang aspetong kriminal ng kaso.

Hindi naman nakialam ang kataas-taasang hukuman ang aspetong sibil ng desisyon ng Tax Court na nag-atas sa tinaguriang “soap opera queen” na bayaran ang BIR ng P6 milyon sa kakulangan na ibinayad na buwis noong 2002, kasama na ang interes at iba pang surcharge.

Lumitaw sa mga ulat na binayaran ni Santos ang kanyang buwis subalit sinabi ni Atty. Claro Ortiz, hepe ng BIR Enforcement and Advocacy Service, na kulang pa ng P2 milyon ang ibinayad ng aktres para sa “delinquency charges.”

Speak Your Mind

*