Manny Pacquiao, sinisisi ni Juan Manuel Marquez kung bakit hindi natuloy kanilang ika-5 paghaharap

Wala umanong dapat sisihin sa hindi pagkakatuloy ng kanilang Fifth Installment Fight kundi si dating Eight Division World Champion Manny Pacquiao.

Ito ang hayagang sinabi ni dating Four-Division World Champion Juan Manuel Marquez sa ginawang promotional tour ng nalalapit na laban kay WBO Welterweight Champion Timothy Bradley Jr.

Ayon kay Marquez, nagbigay sila ng counter offer sa team Pacquiao pero tinanggihan ng kampo ng pinoy boxing champion.

Kabilang umano sa inialok ng mexican warrior ay sa kaniyang hometown sa mexico gagawin ang kanilang Part V Fight.

Matatandaang noong disyembre ng nakaraang taon, nakabawi si marquez mula sa dalawang pagkatalo nang patulugin nito si pacquiao sa round 6.

Speak Your Mind

*