Maynilad, mahigit P4.50 kada cubic meter na ipapatupad na bawas sa singil sa tubig

Mahigit P4.50 kada cubic meter ang bawas sa bill ng mga kustomer ng Maynilad sa susunod na buwan.

Ito’y matapos bayaran ng Maynilad ang utang sa bangko na $120 milyon noong malakas ang palitan ng piso kontra dolyar na nagresulta para makatipid ito ng halos P1 bilyon na ibabalik sa consumer.

Nilinaw naman ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) na hanggang Enero 2014 lang ang bawas ng presyo ng Maynilad dahil tuloy pa rin ang hirit nitong dagdag singil.

Nabatid na nasa mahigit P5.00 ang hirit na dagdag ng Manila Water habang lagpas P8.00 ang sa Maynilad.

Speak Your Mind

*