Mga luma at kakaragkarag na pampublikong sasakyan, tuluyan ng ipapa-garahe ng LTFRB

KINATIGAN ng Court of Appeals (CA) ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) makaraang ibasura ng una ang petisyon ng mga apektadong transport operator laban sa pagpephase out ng mga luma at kakaragkarag na pampublikong sasakyan.

Ayon kay LTFRB Executive Director Atty. Roberto Cabrera III, kinatigan ng nasabing desisyon ng CA ang hangad ng board na protektahan ang mga pasahero laban sa mga sira-sira o halos bulok nang mga Public Utility Vehicle (PUV).

Sa panuntunan ng LTFRB, dapat na palitan ng mga operator ang mga UV Express Service Unit na 13-anyos pataas ng bago o segunda-manong sasakyan na hanggang tatlong taon pa lang nagagamit.

Ipe-phase out din ang mga taxi unit na 13-anyos nang namamasada at ang mga 15-anyos na bus.

Speak Your Mind

*