Miami Heat, tinalo ang San Antonio Spurs, naitabla na sa 2-all ang Best-of-Seven Series sa NBA Final

Muling bumawi ang NBA Defending Champion na Miami Heat sa game 4 kontra San Antonio Spurs, at para maitabla sa 2-all ang best-of-seven series sa score na 109-93.

Gumawa si Dwyane Wade nang kabuuang 32 points habang si NBA 4-time MVP Lebron James ay 30 points at 11 rebounds.

Ang isa pang power player na si Chris Bosh ay nagtala ng 20 points.

Sa kabila naman ng inindang injury sa game 3, nanguna pa rin si Tony Parker para sa Spurs, sa kanilang 15 points habang si Tim Duncan ay gumawa ng 20 puntos.

Samantala, hawak pa rin ng San Antonio ang homecourt advantage sa game 5 na mapapanood sa lunes.

Speak Your Mind

*