Nakatakdang SONA ng Pangulong Aquino, tinatayang aabot sa dalawang milyong piso ang gagastusin

TINATAYANG aabot sa halagang dalawang milyong piso ang magagastos sa nakatakdang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Benigno Aquino III sa pagbubukas ng 16th congress sa Hulyo.

Ayon kay House Secretary General Marilyn Barua-Yap, tuluy-tuloy ang isinasagawang paghahanda ng kamara at pagsasaayos sa mga gagamitin sa sona ng pangulo at ng mga kongresista.

Isinasagawa na rin ang paghahanda sa seguridad sa loob at labas ng batasang pambansa upang masiguro ang kaayusan at kaligtasan ng mga dadalo sa sona ng pangulo.

Nagpadala na rin, aniya, ng mga imbitasyon ang kamara para sa mga importanteng indibidwal sa nasabing okasyon na gagawin sa Hulyo 22, araw ng lunes.

Gayundin, kasama rin sa ginagawa ang pagsasaayos sa ilang opisina ng mga mambabatas na nasira dahilan sa mga butas partikular sa ika-6 na palapag ng gusali ng kamara.

Speak Your Mind

*