Pagbabaklas sa mga illegal fishpen sa Dagupan, hindi umano kabawasan sa Industriya ng Bangus

Tiwala ang lokal na pamahaan ng lungsod ng Dagupan na hindi kabawasan ang pagbaklas sa mga illegal fishpens sa paglago ng industriya ng bangus.

Ayon kay City Agriculturist Emma Molina, seryoso ang bagong liderato ng Dagupan na baklasin na ang mga nagtayuang illegal fishpens sa kailugan sa lungsod sa lalong madaling panahon.

Bagaman natitiyak na mawawala na ang iligal na imprastruktura, hindi naman umano ito rason para malungkot dahil mas tataas pa umano ang porsyento ng hanapbuhay ng dagupenyo dahil sa mas maluwang na karagatan o fishground ng lungsod.

Dagdag pa ni Molina, kailangan matulungan aniya ang river system ng Dagupan upang makahinga ito mula sa mga balakid na fish pens sa pagganda ng kailugan sa lugar. (from newscenter dzrd981 dagupan)

Speak Your Mind

*