Paglobo ng bilang ng mga walang trabaho sa bansa, dahil sa “jobmismatch”–Tesda

“Jobmismatch”

Ito ang itinuturong dahilan ni Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) Director General Joel Villanueva sa patuloy na paglobo ng bilang ng mga walang trabaho sa bansa.

Ani ni Villanueva, patuloy na dumarami ang bilang ng walang trabaho sa  bansa dahil hindi aniya tugma ang mga kurso ng mga nagsipagtapos sa mga kolehiyo sa mga trabahong kailangan sa industriya.

Dagdag pa nito, na masayado aniyang mapili ang mga bagong graduate sa mga trabahong nais nilang pasukan.

Kinakailangan aniyang aktibong makipag-ugnayan ang pamahalaan sa mga nasa industriya upang malaman kung anu-anong mga trabahong kailangan ng mga ito.

Speak Your Mind

*