Pangasinan, nasa tamang daan umano sa pag-unlad ng ekonomiya

Pinuri ni Assistant Secretary Lila Ramos Shahani, ang pinuno ng Communications Group-Human Development and Poverty Reduction Cabinet Cluster sa tanggapan ng pangulo, ang mga pagbabagong nakikita ngayon sa lalawigan ng Pangasinan.

Isa na dito ang pagbaba ng bilang ng mga mahihirap na Pangasinense, kung saan nakapagtala ang probinsya ng 9.5 percent na pagbaba sa bilang ng mga nasa poverty level.

Sa isinagawang maagang selebrasyon ng 115th Philippine Independence Day kahapon, sinabi ni Shahani na ang Pangasinan ay nasa tamang daan patungo sa pag-unlad ng ekonomiya nito.

Ayon pa kay Provincial Administrator Rafael Howard Baraan, ang Espino Administration ay isinusulong ngayon ang mga programa para maging sel-sufficient ang bawat Pangasinense.

Batid ng lahat ang mga hindi matatawarang katagumpayan sa pamamahala ni Gov. Amado Espino Jr. at ang kanyang mga opisyal, at sa patuloy na pakiiisa ng mga Pangasinense.

Speak Your Mind

*