Piso kontra dolyar, patuloy na humuhina bunsod ng gumagandang ekonomiya ng Estados Unidos

Patuloy sa panghihina ang halaga ng piso kontra dolyar.

Nagbukas ang kalakaran Biyernes ng umaga sa P44.00 mula sa pagsasara kahapon sa P43.80.

Bumaba pa ang halaga ng piso sa pinakamahinang 44.17 at pinakamalakas lang na P43.85 sa mid-day trading.

Ang pagbaba ng halaga ng piso at maging ng iba pang currency sa Asya, ay epekto ng inanunsyo ng US Federal Reserve na babawasan nito ang bond purchase bunsod ng pagganda ng ekonomiya ng Estados Unidos.

Speak Your Mind

*