Plant Now Pay Later Program, inilunsad para sa mga magsasaka sa Sta. Barbara

INILUNSAD ngayon ng Deparment of Agriculture Office sa bayan ng Sta Barbara Pangasinan ng “Plant Now Pay Later Program” alinsunod sa kakulangan ng bayan sa subsidized seeds program nito.

Ayon kay Cecilla Capua, halos nasa 2 libong buto ng palay ang kakulangan ng bayan kung kayat hindi nabigyan ng sapat na buto ang iba pang mga magsasaka sa lugar.

Naisip ng munisipyo na makipag ugnayan sa Dept of Agriculture upang mabigyan ng ayudang buto ang mga magsasaka na nagkakahalaga ng tatlong libong piso sa loob ng ilang buwan matapos ang anihan ng mga ito.

Mananatili pa rin ang nasabing programang subsidiya hanggang sa lahat ng mga magsasaka ay maka-avail ng kaukulang butong palay. (report from Lerna Hernandez – dzrd981 dagupan)

Speak Your Mind

*