Presyo ng produktong petrolyo, muling tumaas sa ika-limang pagkakataon

Muli na namang nagpatupad ng pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo sa ikalimang pagkakataon ang tatlong malalaking kumpanya ng langis sa bansa.

Epektibo alas-sais ng umaga ng magdagdag-presyo sa kada litro ng gasolina ang Shell Pilipinas at Chevron na may kabuuang pagtaas na sekwenta sentimo (P0.50) habang labing limang sentimo (P0.15) naman ang dagdag ng Petron sa kerosina.

Wala namang mangyayaring paggalaw sa presyo ng diesel.

Bunsod pa rin aniya ang pagtaas ng paggalaw ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado.

Speak Your Mind

*