Ruffa Gutierrez, dumistansya sa isyu ng pagbubuntis ni Sarah Lahbati

Dumistansya ang TV Host-Actress na si Ruffa Gutierrez sa kumakalat na isyung nagdadalang-tao ang aktres na si Sarah Lahbati sa kapatid nitong si Richard Gutierrez.

Ayon kay Ruffa, wala siya sa posisyon upang magsalita sa isyu dahil hindi pa sila nakakapag-usap ng kanyang kapatid.

Lumabas ang mga balitang nagtungo ngayon sa Switzerland ang aktor upang samahan ang kanyang kasintahan sa pagbubuntis nito.

Ayon kay Ruffa, kung totoo man ang balita ay mas nararapat na si Richard mismo ang magsabi nito para sa kaniya.

Matatandaang kumalat ang nasabing balita matapos mag-anunsyo ng pag-alis sa showbiz ni Lahbati dahil na rin sa hindi magandang relasyon niya sa kanyang Network na nahaluan pa ng isyu ng kanyang pagbubuntis

Speak Your Mind

*