San Antonio Spurs, tudo paghahanda na para sa Game 3 ng NBA Finals

Tudo paghahanda na ang San Antonio Spurs para sa Game 3 matapos ang masaklap nilang pagkatalo sa Game 2 kontra Miami Heat sa nagpapatuloy na NBA Finals.

Ngayong araw kaagad na sasalang sa basketball gym ang Spurs upang pag-aralang mabuti ang susunod nilang defensive game plan na magbabantay sa “Big 3” ng Miami na sina LeBron James, Chris Bosh at Dywane Wade.

Inaasahan ding sasanayin ni Spurs center Tim Duncan ang kaniyang pamosong “using the glass” jumper na malimit na ginagamit sa mga crucial game.

Una ng inihayag ni Tony Parker, nasorpresa ang koponan sa magandang depensa na ipinakita ng Heat at ang pagiging agresibo ng mga players nito.

Speak Your Mind

*