Saudi Fashion Retailer, nais tumanggap ng 200 na pinoy OFW’S

Tatanggap ng halos 200 na overseas Filipino Workers ang Middle Eastern Brand na Redtag.

Ang nasabing pagtanggap sa mga Pinoy OFW’S ay dahil sa pagnanais ng kompanya na palawakin ang kanilang retail store mula 70 na branches hanggang 100.

Ayon kay Country Manager Shebaz Sha-Eek (Shaikh) na gusto niya ang pag-uugali ng mga pinoy sa trabaho dahil sila ay creative, may good taste sa display ng store, metikuloso at may mata para sa mga detalye na importante sa industriya ng retailing.

Dagdag pa dito ay may 300 na pilipino na ang kasalukuyang nagtatrabaho sa redtag at kasama dito sina  Dennis Araza at Joseph Manalo na parehong may matataas na posisiyon sa nasabing kompanya.

Speak Your Mind

*