Saudi Prince, ipinasara ang Disneyland sa Paris, para iselebrate ng kanyang graduation

Ipinasara umano ng Saudi Prince ang Disneyland sa Paris para sa selebrasyon ng pagtatapos nito.

Ayon sa report, gumastos si Prince Fahd Al-Saud ng $19.5 million sa pribadong pagbisita sa Disneyland, Paris.

Kinumpirma naman ng Euro Disney na namamahala sa Theme Park, na dumalaw si Prince Fahd kasama ang ilang kaibigan ng tatlong araw.

Sinabi pa ng kompaniya na regular naman umano silang nagsasagawa ng pribadong events para sa mga kompaniya o indibidwal.

Ito ay kinabibilangan umano ng mga “Rare Disney” Characters.

Speak Your Mind

*