Selebrasyon ng International Day Against Drug Abuse and Illicit Trafficking, isasagawa sa Dagupan City bukas

Nakatakda bukas June 26, ang isang selebrasyon ng International Day Against Drug Abuse and Illicit Trafficking mula sa temang “global action for healthy communities without drugs”.

Pangungunahan ito ng Deparment of Health (DOH) kung saan isasagawa rito ang isang motorcade, seminar launching na dadaluhan naman ng aabot sa isanlibong mga estudyante mula sa pampubliko at pribadong paaralan sa lungsod ng dagupan.

Itututuon ang nasabing seminar sa pagpapaabot ng kaalaman at impormasyon sa mga kabataan kung ano ang magiging epekto ng iligal na droga sa katawan at maging sa utak ng mga ito.

Ayon kay Sonia Carreon, Social Service Head, at Treatment and Rehabilitation Center ng Region1 Medical Center, kabahagi nito ang pagsugpo sa iligal na aktibidad na kinasasangkutan ng publiko sa alinmang lugar sa bansa, lalo na ang pangangalaga sa kapakanan ng mga kabataang mag aaral.

Speak Your Mind

*