Tambahalang ‘Bong at Bongbong’ sa Presidential Elections sa 2016, lumutang

Lumutang ang posibleng tambalan nina Senators Ramon ‘Bong’ Revilla at Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Presidential Elections sa 2016.

Ito ay kahit pa magkahiwalay na sinabi ng dalawang senador na hindi pa sila pormal na nag-uusap.

Unang sinabi ni Marcos na nag-umpisang lumutang ang posibilidad na maging magka-tandem sila ni Revilla ng bumisita ito sa Ilocos.

Nagbiro pa si Marcos na mas mapapadali ang kanilang kampanya dahil  madaling tandaan ang “Bongbong” at “Bong”.

Sa isang panayam sa telepono kahapon kinumpirma ni Revilla na may mga nagpapalutang ng posibilidad na magka-tandem sila ni Marcos sa 2016 pero masyado pa aniyang maaga ang magsalita sa  ngayon.

Ayon pa kay Revilla sa ngayon ay pinagha­handaan na lamang niya kung ano ang darating sa buhay niya dahil naniniwala pa rin ito sa “destiny”.

Speak Your Mind

*