Walang droga sa Bonuan Binloc – Brgy Officials

Nanindigan ang pamunuan ng Brgy Council sa Brgy Bonuan Dagupan City na walang droga sa lugar nito.

Ayon kay Brgy Captain Pedro Gonzales, ng Bunuan Binloc hindi nito alam na mayroong gumagalang mga pushers o users sa lugar, maging ang binabanggit na posibleng den o warehouse ng droga.

Dagdag pa ni Gonzales handa ito sa anumang imbestigasyon upang mapatunayan na wala itong kinalaman sa nasabing droga.

Nananawagan pa ito sa bagong liderato ng Dagupan City na maging mapangahas sa paglilinis sa lugar kabilang na ang Brgy nito na tinaguriang number 1 na pugad ng droga sa lalawigan ng Pangasinan ayon sa Dangerous Drugs Board.

Speak Your Mind

*