World No Tobacco Day, ginugunita ngayong Mayo

Ginugunita ngayong ika-tatlumpu’t isa ng Mayo ang World No Tobacco Day sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

 Ayon sa World Health Organization, layunin ng nasabing pagdiriwang na hikayatin ang lahat ng tao na umiwas sa pagkonsumo ng kahit anong klase ng tabako.

 Adhikain din ng WHO na ipatigil ang lahat ng uri ng advertising, promotion at sponsorship ng nasabing produkto sa pag-asang marami na ang titigil sa paninigarilyo.

 Maraming organisasyon at ang mga kapartner nilang bansa ang nagpakalat ng iba’t ibang babala na nagpapakita ng mga masasamang epekto ng tabako.

Speak Your Mind

*