Alessandra de Rossi, abala sa paggawa ng isang international film

Matapos tumanggap ng magkakasunod na acting awards, abala naman ngayon sa paggawa ng isang international film ang actress na si Alessandra de Rossi.

Ayon sa actress, sinu-shoot na niya ang isang Korean film na may titulong “The Mango Tree sa Cebu” kung saan siya mismo ang pinili ng director na si Lee Soo Sung para sa pelikula

Hindi na daw ito ang unang pagkakatoon na gumawa ng isang foreign film si Alex dahil noong 2005 ay ginawa niya ang isang horror film na “The Maid” sa Singapore.

Wala naman daw naging problema para kay Alex, kahit na hindi masyadong marurunong ng english language ang Korean film crew, dahil may interpreter naman daw sila sa set.

Speak Your Mind

*