Bagong alkalde ang Alaminos City, humiling ng pagkakaisa para pag-unlad ng lungsod

Hinihingi ngayon ang bagong halal na alkalde ng Alaminos City na si Mayor Arthur Celeste ang pakikipag-isa at kapit-kamay na itaguyod ang pag-unlad ng lungsod.

Ito ang naging laman ng Inaugural Speech ni Mayor Celeste sa isinagawang Oathtaking Ceremony na ginanap kamakailan sa Don Leopoldo Sison Auditorium sa nasabing syudad.

Ayon pa kay Mayor Celeste, kailangang isantabi muna ang mga political interest para sa kapakanan ng lungsod.

Nangako rin ito na kanyang tutuparin sa loob ng tatlong taon na kanyang termino, ang laman ng kanyang pangangampanya noong panahon ng eleksyon.

Sa mensahe naman ni Vice Mayor Earl James Aquino, kailangan na umanong magtrabaho dahil tapos na ang eleksyon kasabay ang pagsisigurong kanyang susuportahan ang alkalde, ano man ang kanyang mga adbokasiya kahit hindi sila magkapartido.

Speak Your Mind

*