Civil Registrars Office sa Dasol, dinagsa dahil sa clerical error law

Dinadagsa ngayon ang Civil Registrars Office sa bayan ng Dasol, Pangasinan para sa kwalipikasyon ng pagpapalit ng pangalan ng ilang residente sa ilalim ngayon ng clerical error law.

Ayon kay Ma. Linda Chan, Municipal Civil Registrar ng nasabing bayan, dalawa mula sa sampung aplikante ang nabigyan ngayon ng pagkakataaong baguhin ang pangalan at maging ang pagkakasulat sa kasarian ng mga ito.

Dagdag pa ni Chan, mas kumpiyansa na ngayon ang mga tao sa pagpapalit ng kanilang pangalan dahil sa mas pinadaling proseso ay murang singil kumpara sa dating regulasyon nito na aabot lamang sa tatlong libong piso.

Sa ngayon pinag aaralan pa ng bayan kung paano pa mas mapapabilis ang proseso at pagasikaso sa mga kliyente.

Samantala, lahat umano ng bayan sa buong lalawigan ng Pangasinan ay may kaukulang proseso sa nabanggit na batas.

Speak Your Mind

*