Deped, mahigpit na ipinagbabawal sa mga guro ang pagbebenta ng pagkain sa eskwelahan

Muling pinaalala ng Department of Education o Deped na mahigpit nilang ipinagbabawal ang pagbebenta ng mga anumang produkto gaya ng tocino, candy ng mga guro o sino mang school personnel sa eskwelahan.

Ayon kay Diosdado Cayabyab – Education Program Supervisor, matagal nang pina iiral ang Implementing Guidelines on the Operation and Management of Canteens sa mga public elementary at high school, partikular na ang Deped Order No. 8 series of 2007

Dagdag pa ni Cayabyab, na kung nais magtinda ng teacher o school personnel ay maari na lamang nila itong idaan sa operator o accredited concessionaire ng canteen dahil sila lamang ay may karapatan na mag benta sa loob ng mga eskwelahan.

Pinaaaalalahanana din naman ng Deped na bawal mag tinda ng mga hindi masustansyang pagkain sa eskwela, gaya ng junk foods.

Kasabay dito, hinimok din opisyal ang ibang eskwelahan na huwag na din magtinda ng softdrinks.

Speak Your Mind

*