Donaire, inayawan na ang super bantamweight class rematch kay Darchinyan

Ikinagalit ni dating world flyweight champion Vic Darchinyan ang pagdadalawang-isip ni world four-division titlist Nonito ‘The Filipino Flash’ Donaire, Jr. na labanan siya sa super bantamweight class sa kanilang rematch.

Sinabi ni Donaire na kasalukuyang siyang tumitimbang ng 140 pounds at hindi siya komportableng labanang muli si Darchinyan sa 122 pounds (super bantamweight).

Plano umano ngayon ni Donaire na umakyat sa featherweight category sa kanyang pagbabalik sa aksyon.

Matatandaan pinabagsak ni Donaire si Darchinyan sa fifth round para agawin sa Armenian fighter ang mga suot nitong international boxing federation at international boxing organization flyweight titles noong Hulyo ng 2007.

Speak Your Mind

*