FEU Tamaraws, ipinalasap sa Ateneo Blue Eagles ang ikalawang sunod na talo

Nakalasap ng ikalawang sunod na pagkatalo ang defending UAAP Champion Ateneo De Manila University (ADMU) Blue Eagles mula sa kamay ng Far Eastern University (FEU) Tamaraws.

Tinalo ng FEU ang Ateneo sa pamamagitan ng overtime play, 79-75.

Sa pagkakapanalo ng Tamaraws, hawak nila ngayon ang malinis na record na dalawang panalo.

Kabuuang 21 puntos ang ginawa ng star player ng FEU na si Terrence Romeo.

Naglaro naman ang Blue Eagles na wala ang kanilang best player na si Kiefer Ravena dahil sa injury.

Nanguna naman para sa Ateneo si Ryan Buenafe sa kaniyang career-best 29 points at 15 rebounds.

Speak Your Mind

*