Carlo J. Caparas, pinaghahanap na ng NBI dahil sa kasong tax evasion

Pinaghahanap ngayon ng National Bureau of Investigation (NBI) ang comic book artist at film director na si Carlo J. Caparas dahil sa kasong tax evasion na isinampa ng Bureau of Internal Revenue (BIR).

Inilabas na ng Quezon City Court of Tax Appeals ang Warrant of Arrest laban kay Caparas noong isang buwan matapos lumitaw sa preliminary investigation na hindi umano ito nakapag-file ng Value-Added Tax (VAT).

Sa panig naman ng NBI, tiniyak ng mga ito na walang special treatment na ibibigay kay caparas.

Taong 2011 nang kinasuhan ng BIR ang direktor ng P504 million tax case kasama na ang surcharges at penalties ng mga hindi nito nabayarang buwis.

Speak Your Mind

*