Film tourism, nais isusulong para makatulong sa paglago ng turismo ng bansa

Inaasahang magbibigay ng malaking kita at paglago ng turismo ng Pilipinas ang panukalang nais isulong ni  Senador Grace Poe na Film Tourism.

Ipinaliwanag ni Poe na ang film tourism ay ginagawa na ng ibang bansa at malaking tulong ito sa paglago ng kanilang turismo.

Inihalimbawa ng baguhang senador na noong 2008, ipinalabas ang Caramoan Islands sa Camarines Sur bilang lokasyon ng reality show na “Survivor” kung saan maraming bansa ang nagka-interes dito.

Maging ang sikat na hollywood movie na “Bourne Legacy” ay ibinida rin ang ganda ng Palawan.

Dahil aniya sa film tourism, inaasahang ding papalo ang tourist arrivals sa bansa

Speak Your Mind

*