Gilas Pilipinas, manonood ng Jones Cup para i-monitor ang laro ng kalaban sa FIBA Asia

Magdodoble kayod ngayon ang Philippine National Basketball Team kabilang na ang panonood ng Jones Cup upang masundan ang improvement ng game ng kanilang team na makakalaban sa FIBA.

Animado si Team Pilipinas Head Coach Chot Reyes, nangangapa sila kung paano i-monitor ang laro ng mga koponang kasali sa FIBA Asia Championship.

Samantala, lilipad na patungong New Zealand ang buong team sa susunod na linggo para sa 10-day training camp.

Gugugulin ng National Team ang pagkakataon na makalaban ang Professional Basketball Clubs ng New Zealand na siyang magsisilbing replacement tournament.

Ang FIBA Asia Championship ay magsisimula sa susunod na buwan.

Speak Your Mind

*