Ibat-ibang aktibidad kaugnay sa selebrasyon ng National Disability Prevention & Rehabilition Week sa Pangasinan, nagpapatuloy

Isinagawa kamakailan ng Provincial Social Welfare Office ng Pangasinan, ang isang malawakang Forum and Convention na dinaluhan ng mga miembro ng Federation of Persons with Disabilities of Pangasinan (FPWDP) Special Education (SPED) Schools, bilang bahagi sa pag-obserba ng National Disability Prevention and Rehabilitation Week (NDPRW).

Ayon kay Annabel Roque, ang Provincial Focal Person for Persons with Disabilties (PWDS) programs, ang nasabing aktibidad ay nagsilbing daan para mapag-usapan ang Magna Carta para sa mga may kapansanan at sa mga may na Autism.

Bunsod nito, isang kooperatiba ay plano nilang itatag para sa Pwds sa tulong ng Department of Education (Deped).

Layunin din ng nasabing aktibidad na maisulong ang mga karapatan ng mga may kapansanan sa pamamagitan ng kanilang pagsali sa tree-planting activities at sa mga iba pang literary at musical contest at special sports competition, at beauty pageant.

Speak Your Mind

*

 

balugao