Indonesia, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol, 50 katao ang sugatan

Hindi bababa sa 50 katao ang sugatan matapos tumama ang magnitude 6.1 na lindol sa Indonesia, kahapon ng umaga.

Ayon sa US Geological Survey, naitala ang sentro ng lindol sa layong 55 kilometro timog ng Bireun na may lalim na 10 km.

Ayon kay Ema Suryani, doktor sa isang Health Clinic sa Lampahan City, Bener Meriah District, nagtamo ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang mga biktima, habang ang iba ay nabalian pa ng buto.

Speak Your Mind

*