Internet provider sa United Kingdom, haharangin ang online pornography

Haharangin na mga internet provider sa United Kingdom ang online pornography maliban na lamang kung ito ay hihilingin ng mga subscriber.

Bukod dito, sinabi ng Prime Minister David Cameron na magiging illegal na ang pagkakaroon ng online pornography na nagpapakita ng panggagahasa dahil ang access sa online pornography ay “corroding childhood”.

Bibigyan ang mga search engines ng hanggang oktubre para ipakilala ang mga karagdagang hakbang para harangin ang illegal content at dagdagan ang kapangyarihan ng mga eksperto sa child exploitation and Online Protection Centre (CEOP) para busisiin ang malilihim na file-sharing networks.

Speak Your Mind

*