Investment sa Pilipinas, lumago sa unang bahagi ng taon

Lumago ang mga investment sa Pilipinas ng 36.5% sa halagang P285.59 biyon sa unang bahagi ng 2013.

Ayon sa datos ng Department of Trade and Industry (DTI), na sa P285.59 bilyon, ang p201.9 bilyon ay nagmula sa Board of Investments (BOI), habang ang P83.69 bilyon naman ay iniambag ng Philippine Economic Zone Authority (PEZA).

Ang BOI at PEZA ang dalawang pinakamalaking investment generator ng gobyerno na inaasahang lumika ng mahigit 70,936 trabaho.

Samantala, inaasahan naman ng DTI ang pagpasok ng negosyo mula sa anim na bansa tulad ng Germany, Sweden, Italy, England, Turkey, at France.

Speak Your Mind

*