Kahilingan na 50% discount sa real property tax ng senior citizen, nakabinbin pa sa SP

Hindi pa umano mabibigyan ng karampatang desisyon ang petisyong inihain ni Former Phil Association of Municipal Assessors o PAMAS President Roberto Rebodos hinggil sa limang porsyentong discount sa real property tax ng senior citizens.

Base sa nasabing petisyonm ipinakiusap ni Rebodos sa Provincial Board na gumawaa ito ng isang resolusyong makapagbibigay ng karagdagang discount ang mg senior citizens sa kanilang real property tax sa lalawigan.

Hinarang muna ito ni Board Member Alfonso Bince Jr., dahil sa dami ng konsiderasyong kailangan suungin ng nasabing petisyon at maigurong walang masasagasaang indibidwal o sinuman sa nasabing ordinansa.

Samantala, naging mabilisan lang ang sesyon kahapon sa sangguniang panlalawigan dahil halos naaprubahan na ang lahat ng mga nakabinbin na resolusyon.

Speak Your Mind

*