Kris Aquino at James yap, nag-harap na sa korte para sa visitation rights sa kanilang anak

Muling nagharap sa Makati Regional Trial Court ang TV Host/Actress na si Kris Aquino at PBA Star na si James Yap.

Kaugnay ito sa pagdinig ng Declaration of Nullity of marriage nina Kris at James para maayos din ang schedule at venue ng pagkikita ng basketbolista at anak na si Bimby.

Bagama’t wala ang abogado ng dalawang kampo, kasama naman ni Kris ang kapatid na si Ballsy.

Una ng iginiit ng Queen of All Media na hindi nito ipinagkakait si Bimby pero gusto lamang niyang idaan sa tama at legal na proseso ang visitation rights.

Matatandaang hindi nakasama ni James Yap ang anak noong Father’s Day dahil kasama umano nito ang bagong Italian Girlfriend.

Speak Your Mind

*