Limang araw na WASAR Training sa Pangasinan, nagsimula na

Nagsimula na kahapon ang limang araw na Water Search and Rescue (Wasar) Training na isinasagawa ng Provincial Government ng Pangasinan, sa pamamagitan ng provincial disaster risk Reduction and Management Council.

Ang nasabing pagsasanay ay isinasagawa sa PDRRMC Office sa Narciso Ramos Sports and Civic Center sa bayan ng Lingayen at magtatapos ito sa biyernes.

Ayon kay Avenix Arenas, ang spokesperson ng PDRRMC, bahagi ito sa selebrasyon ng National Disaster Consciousness Month at pangungunahan naman ng Philippine Coast Guard Region 1 bilang tagapagsanay sa nasabing aktibidad.

Kabilang sa layunin ng pagsasanay na mapalakas ang kahandaan ng Local Government Units, at ma-familiarize ang mga basic concepts ng Water Search and Rescue, at madagdagan ang kanilang kaalaman sa mga life saving techniques.

Speak Your Mind

*