Lingguhang misa pasasalamat, isasagawa sa Alaminos City

Magiging bahagi na ngayon ng lokal na pamahalaan ng Alaminos City ang lingguhang sistema na misa pasasalamat sa bawat linggong pagpapagod sa trabaho.

Gaganapin tuwing biyernes ng hapon, ganap na alas tres hanggang alas singko ang nasabing aktibidad kasama ang mismong mga miyembro ng sangguniang bayan, at lahat ng departamento ng munisipyo sa pangunguna ni Alaminos Mayor Arthur Celeste.

Naumpisahan na umano ito noong nakaraang linggo na siya namang ikinatuwa rin ng ilang empleyado ng lokal na gobyerno dahil sa oras na mapalapit sa poong maykapal.

Napili ang araw ng biyernes, dahil ito na rin ang pinakahuling araw na trabaho ng bawat empleyado bago umuwi at magpahinga sa weekends. Jimrey Biosa

Speak Your Mind

*