Local farms, isinusulong ng Pangasinan tourism

Isinusulong ngayon ng Provincial Tourism Office  ang local farms ng bawat LGU’s ng pangasinan bilang karagdagang tourist destination sa lalawigan.

Nasa prayoridad na din umano ng ahensya ang paghahanda sa mga posibleng pagdagsa pa ng mga turista sa pangasinan.

Ayon kay Tourism Officer Malou Elduayan, maski ang isang local farm sa isang brgy o bayan na may kakaibang senaryo at may potensiyal na makaakit ng turista ay kailangang pag aralan ng mga residente upang maging karagdagang lugar o atraksiyon sa probinsiya.

Ang Provincial Tourism Office na rin ang bahala sa identification ng nasabing lugar kung maaari ba itong makasama sa listahan ng mga opisyal na destinasyon sa larangan ng turismo.

Speak Your Mind

*