Megan Young, kalahok sa Miss Wolrd Philippines 2013

Kumpirmadong isa sa mga kahalok ng Miss World Philipppines ang Filipino-American Actress na si Megan Young.

Ito ay matapos humabol ang young aktress sa pagpasa ng aplikasyon para sa nasabing beauty pageant kung saan gaganapin ang coronation night sa Agosto.

Ayon kay Megan, masaya siya at nakahabol ang isinumite niyang aplikasyon bago pa man ang deadline noong Lunes.

Dagdag pa ng aktres, gusto niyang subukan ang kapalaran sa nasabing contest.

Samantala, ang mananalo sa Miss World Philippines ay magiging kinatawan ng bansa sa ika-anim na pu’t tatlong edisyon ng Miss World International Pageant na idaraos sa Indonesia.

Speak Your Mind

*