Mga LGU’S ng Pangasinan, hinimok na magtatag ng sariling Tourism Office

Hinihikayat ngayon ng Provincial Tourism Office ang lahat ng mga Local Government Unit o LGU’S sa lalawigan ng Pangasinan na magkaroon ng sariling Local Tourism Office.

Ayon kay Malou Elduayan, ang Pangasinan Tourism Officer, na kung ang bawat munisipalidad sa pangasinan ay makabubuo ng sariling Tourism Office tiyak na magiging daan ito upang umunlad ang turismo sa kanilang lugar.

Sinabi pa ni Elduayan na malaki ang maitutulong ng mga Local Tourism Officer para makahikayat ng mas maraming turista hindi lang sa kanilang bayan kundi sa buong lalawigan.

Sa ngayon, ilang lungsod at munisipyo pa lamang ang mayroong Tourism Office kayat puspusan na ang paghihiyat ng probinsya dahil inaasahang makakatulong ito sa pagpapakilala ng mga produkto, pagkain at mga pasyalan sa kanilang lugar.

Speak Your Mind

*